Babae tinangkang tangayin ng jeepney driver, sugatan matapos tumalon sa jeep

Kuha ni Justinne Punsalang

Galos sa braso ang tinamo ng isang 19 na taong gulang na mag-aaral matapos niyang tumalon mula sa sinasakyang jeep sa Lagro, Quezon City.

Ayon sa biktimang tumanggi nang magpapangalan, kasama niyang sumakay sa jeep ang kanyang kaibigan mula sa kanilang paaralan, ngunit naunang bumaba ang kanyang kaibigan.

Mag-isa na lamang siya sa jeep at nakaupo siya sa dulong bahagi nito, nang makitang tila sinisilip siya ng driver mula sa salamin. Dito na kinutuban ang biktima.

Sumigaw na aniya siya na bababa na siya sa isang mataong lugar, ngunit hindi siya pinansin ng driver at nagpatuloy sa mabilis na pagpapatakbo ng sasakyan.

Sa takot ay tumalon ang biktima mula sa jeep.

Tinulungan naman siya ng isang kawani ng barangay na siya ring nakahuli sa driver na kinilalang si Jelord Narvaza.

Giit naman ng suspek, hindi niya balak itakas ang biktima at hind lamang niya narinig ang pagpara nito.

Patuloy pa ang imbestigasyon ng mga otoridad upang matiyak kung ano ang isasampang reklamo laban sa driver.

 

 

 

 

 

 

 

Read more...