Tinupok ng apoy ang ‘iconic’ na Kamuning Bakery sa Quezon City.
Ang nasabing bakery sa Judge Jimenez Street ay 79 na taon na dahil 1939 pa ito itinayo.
Bagaman umabot lang sa 1st alarm ang sunog, gumuho ang bahagi ng ikalawang palapag ng gusali.
Ayon kay Fire Inspector Rosendo Cabillan, Chief Investigator ng Quezon City Fire Department, nagsimula ang apoy sa stockroom ng gusali na nasa ikalawang palapag
Bahagya namang nasugatan ang isang fire volunteer habang inaapula ang sunog.
Alas 2:36 ng madaling araw nang maaupala ang apoy.
Sa ngayon ay inaalam pa kung paano nagsimula ang sunog at kung magkano ang kabuuang pinsala dahil sa pagliliyab.
Samantala, sinabi ng may-ari ng establisyimento na si Wilson Lee Flores na nalulungkot siya sa nangyari.
Aniya, dahil walang matutuluyan ngayon ang kanyang mga empleyado kaya pinatuloy muna sila sa kanyang opisina.
Ito na ang ikatlong sunog sa nasabing lugar ngayong linggo.
Unang nasunog ang isang bahay sa K-7th Street, at kahapon ay nasunog ang isang bar at imbakan ng foam na katabi lamang ng Kamuning Bakery.