Ayon sa DENR, layon nilang matukoy kung anu-anong mga kumpanya ang dumiskarte sa pag-konekta sa drainage pipe ng MWSS sa halip na mag-maintain ng kanilang sariling sewage treatment facilities.
Dahil sa ginagawang ito ng mga nasabing kumpanya na kinabibilangan ng mga hotels at resorts, umaapaw ang untreated na maruming tubig dahil ang kaya lang namang saluhin ng drainage pipe na ito ay ang tubig galing sa ulan.
Pinangungunahan ng Environmental Management Bureau ng DENR ang nasabing imbestigasyon na inaasahang tatagal ng dalawang buwan.
Tiniyak naman ng DENR na bibigyan nila ng due process ang mga kumpanya at magpapatawag muna sila ng technical conference upang mabigyan ang mga ito ng panahon para resolbahin ang isyu.
Ngunit kung bigo pa rin silang magawa ito, iaakya na nila ito sa Pollution Adjudication Board na posibleng maglabas ng cease and desist order laban sa mga naturang kumpanya.