Palasyo sa nagpapatuloy sa konstruksyon na Spratlys: Ano gusto ninyong sabihin namin?

 

Anong gusto ninyong sabihin at gawin namin?

Ito ang tugon ni Presidential Spokesperson Harry Roque nang matanong ukol sa mga bagong larawan na nakuha ng Inquirer kaugnay sa halos matatapos nang konstruksyon ng China sa mga islang ginawa nito sa South China Sea.

Ang naging kasunduan aniya sa pagitan ng China at ng Pilipinas ay ang pangako ng una nang hindi na ito magtatayo ng bagong mga isla sa South China Sea.

Mula sa inquirer.net

Giit ni Roque, hindi naman nagsimula sa ilalim ng administrasyong Duterte ang pagtatayo ng mga struktura ng China sa naturang lugar.

Paliwanag pa nito, nag-umpisa ang pagtatayo ng China ng mga man made islands sa pinag-aagawang teritoryo noon pang nakaraang administrasyon.

At kung wala aniyang nagawa ang nakaraang administrasyon upang mapahinto ang China sa konstruksyon sa mga isla sa Spratlys, ay tanging ang pangako lamang nito na hindi na magtatayo ng karagdagang mga isla sa lugar ang panghahawakan ng kasalukuyang administrasyon.

Hindi rin naman aniya makakapagdeklara ng giyera ang Pilipinas laban sa China dahil labag ito sa batas, paliwanag pa ni Roque.

“Those islands were reclaimed even during the time of the former administration. They were completed in fact during the time of the prevous administration and I think whether or not we like it, they intended to use them as military bases. So, what do you want us to say?”

All that we could do is to extract a promise from China not to reclaim any new artificial islands, but what you featured in your newspaper today are old reclaimed islands that were there even before the Duterte administration came to office. If the Aquino administration was not able to do anything about these artificial islands, what do you want us to do? We cannot declare war.” Giit ni Roque.

Read more...