Ayon kay Presidential spokesman Harry Roque, may ginawa nang hakbang ang Pangulo, ngunit hindi pa niya maaaring isiwalat kung ano ito.
Ipinahayag ito ng Malacañang makaraang kwestyunin ni Senador Nancy Binay ang magiging hakbang ng NFA Council sa kumakaunting supply ng NFA rice.
Ayon kay Binay, batay sa ulat ng Philippine Statistics Authority, unti-unting nagmamahal ang presyo ng regular at well-milled rice nang piso hanggang tatlong piso sa anim na regional centers.
Kinwestyon din ng senador kung bakit ipinagpaliban ng NFA Council ang pag-import sa 250,000 metric tons ng bigas gayong inamin ng NFA na pang-tatlong araw lamang ang rice buffer stock nito.
Kinakailangang hindi bababa sa 15 araw ang buffer stock ng NFA sa anumang oras, at 30 araw na buffer stock lean season na kalimitang mula Hulyo hanggang Setyembre.