Resolusyon para imbestigahan ang umano’y tagong yaman ni Pangulong Duterte at anak na si Sara Duterte, inihain na sa Senado

Pormal nang inihain ni Senator Antonio Trillanes IV ang resolusyon para hilingin sa senado na magsagawa ng imbestigasyon hinggil sa umano ay posibleng paglabag sa Anti-Money Laundering Act (AMLA) ni Pangulong at anak niyang si Davao City Mayor Sara Duterte-Carpio.

Sa Senate Resolution No. 602 sinabi ni Trillanes na layunin ng hirit niyang imbestigasyon na i-promote ang pagsunod sa AMLA at ang pagsasaayos pa ng nasabing batas.

Partikular na hiniling ni Trillanes na magsagawa ng imbestigasyon ang Senate banks committee.

Sa kaniyang resolusyon, tinukoy ni Trillanes ang report ng Vera Files na nagsasabing si Duterte at anak na si Sara ay mayroong P100 million na halaga ng joint deposits at investments at hindi ito deklarado sa kanilang Statement of Assets, Liabilities, and Net Worth (SALN).

Ayon sa Vera Files, ang kanilang ulat ay ibinase naman nila sa mga dokumento na dating inilabas ni Trillanes.

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

Read more...