WATCH: Dalawa sugatan sa gas leak explosion sa QC

Inquirer Photo | Niño Jesus Orbeta

BREAKING: Dalawa aang sugatan sa naganap na gas leak explosion isang sa restaurant sa Quezon City.

Naganap ang pagsabog sa loob ng Z-Square Mall sa Banawe Street kanto ng Del Monte Avenue.

Ayon kay Bureau of Fire Protection chief, Supt. Manuel Manuel, ang dalawang nasugatan ay kinabibilangan ng Hong Kong national na si Cheung Kowk Wai, 39 anyos na chief cook at co-owner ng Teddy Man Restaurant, at si Gleena May Pike, 25 anyos na cashier naman sa Robinsons.

Ang dayuhan ay nagtamo ng 2nd degree burn at dinala sa St. Luke’s Medical Center habang si Pike naman ay dinala sa East Avenue Medical Center matapos magtamo ng minor head injuries.

Patuloy pa ang imbestigasyon sa naganap na pagsabog sa nasabing restaurant.

 

 

 

 

 

 

 

 

Read more...