Bilang tugon sa mabagal na serbisyo ng mga telecommunications company sa bansa ay magtatayo ng sariling telecom company ang San Miguel Corp.
Sa panayam kay SMC President-Chief Operating Officer Ramon Ang, kinumpirma nito na mag-iinvest narin ang kanilang korporasyon sa telco na may mabilis na serbisyo ng text, voice at broadband.
Ito aniya ay posibleng naisakatuparan sa taong kasalukuyan. At dahil gumaganda rin aniya ang takbo ng mga kumpanya sa ilalim ng San Miguel Corporation ay mas pag-iibayuhin pa nila ang pamumuhunan sa sektor ng enerhiya, infrastructure at foreign investments.
Sa larangan ng enerhiya ay magiging competitive aniya ang SMC dahil mabibili lamang ng publiko ang kuryente sa halagang tatlong piso per kilowatt hour.
Samantala sa infrastructure naman ay sinabi ni Ang na nagkakahalaga ang SMC sa mas dekalibre at mas mabilis na tollways sa bansa.
Sinabi rin ni Ang na sa pagtaya niya ay nasa 20 billion dollars na ang pinagsamang revenue ng SMC group.
Ngayon ang ika-125 taon ng SMC.