Lalaki kalaboso matapos magnakaw ng corned beef at spam para ipang-pulutan

Kuha ni Mark Makalalad

Sa kulungan ang bagsak ng isang side car boy matapos magnakaw ng corned beef at spam sa convenience store sa Juan Luna Street, Barangay 61 Zone 5, Tondo, Manila.

Kwento ng suspek na si Herminio Deverson, 48 anyos, birthday kasi ng kaniyang kabarkada at naubusan sila ng pulutan na mani sa inuman kaya napilitan siyang magnakaw.

Nakainom na rin ang suspek nang tangayin niya ang mga de lata mula sa isang convenience store.

Ayon sa Abad Santos Police, tyempong nagbabantay ang kanilang mga tauhan sa bahagi ng Juan Luna nang makatanggap sila ng sumbong mula sa may-ari ng convenience store na may lalaking tumangay ng mga de lata at sinuksok ito sa bulsa.

Nakuhanan din ng CCTV ng convenience store ang naturang pangyayari.

Aabot sa P354 ang kabuuang halaga ng ninakaw ng suspek na ayon sa kaniya ay unang pagkakataon nya na ginawa.

Isasailalim sya sa inquest at mahaharap sa paglabag sa Article 308 ng Revised Penal Code o theft.

 

 

 

 

 

 

Read more...