Apat sugatan sa banggaan ng dalawang sasakyan sa Caloocan

Kuha ni Mark Makalalad

Apat ang sugatan matapos magbanggaan ang 2 sasakyan sa kanto ng 7th Avenue at 8th Avenue Grace Park, Caloocan City.

Agad na isinugod sa pinakamalapit na ospital ang mga biktima na nagtamo ng mga sugat at bale sa katawan.

Ayon kay Eric Molanday, driver ng kulay itim na Mitsubishi Adventure, binabaybay nya ang 7th Avenue kasama ang apat na pasahero ng banggain siya ng itim na Montero sa kanyang likuran.

Sa lakas ng pinsala, nagpaikot-ikot pa ang Adventure.

Nabasag din ang mga salamin at nasira ang windshield nito.

Samantala, itinanggi naman ng driver ng Montero ang akusasyon at sinabing mabilis ang takbo ng Adventure habang tumatawid siya mula sa 8th avenue.

Nabatid na accident prone area ang lugar.

Hindi naman nagdulot ng trapiko ang aksidente.

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

Read more...