Claveria, Masbate, niyanig ng magnitude 3.6 na lindol

Tumama ang magnitude 3.6 na lindol sa bayan ng Claveria sa lalawigan ng Masbate.

Naitala ang lindol sa 17 kilometers South ng Claveria alas 2:53 ng madaling araw ng Lunes, Feb 5.

May lalim lang na 10 kilometers ang lindol at tectonic ang origin.

Naitala ang intensity 2 sa Masbate City bunsod ng nasabing lindol.

Hindi naman inaasahang magdudulot ng pinsala at aftershocks ang nasabing lindol.

 

 

 

 

 

 

Read more...