Ayon kay NAMFREL secretary general Eric Alva, ang nasabing desisyon ay ginawa ng en banc mula sa rekomendasyon ng COMELEC Advisory Council.
Gayunman, naniniwala si Alva na maaring may mas maganda pang desisyon sana ang COMELEC kung hindi lang sila ipit sa budget.
Mayroon pa naman aniya kasing mas magandang maaring pagpilian ang COMELEC na mga kagamitan.
Matatandaang nagdesisyon ang COMELEC na bilhin ang 10,000 na vote counting machines na nagamit na nila sa mga nagdaang halalan upang makatipid.
MOST READ
LATEST STORIES