Nangako ang Department of Social Welfare and Development sa Mayon evacuees na dekalidad ang relief goods na kanilang matatanggap.
Lumipad patungong Albay si DSWD Officer-in-Charge Emmanuel Leyco noong nakaraang linggo upang tingnan ang distribusyon ng relief goods at ang kondisyon sa mga evacuation centers.
Ayon kay Leyco, sisiguruhin ng kagawaran na hindi ito mamahagi ng mga relief goods na expired na dahil ito anya ay hindi katanggap-tanggap.
Tiniyak rin ng opisyal na kung may makakalusot man ay aaksyunan agad ng ahensya.
Ang ipinamamahagi anyang food items ng DSWD ay may tatlong buwang palugit bago ang expiration date.
Lumabas naman sa ulat ng DSWD Filed Office 5 na ang mga relief goods para sa mga bakwit ay sa 2020 pa pataas ang expiration.
Sa pinakahuling tala ng DSWD, higit-kumulang 72,000 mga evacuees pa rin ang nananatili sa evacuation centers sa Albay.