Naging sunud-sunod ang malalakas na lindol na naramdaman sa Taiwan Linggo ng gabi.
Sa ulat ng Taiwan Central Weather Bureau, pinakamalakas na naramdaman sa serye ng mga lindol at sumunod na aftershocks ang naganap dakong alas 9:56 ng gabi na umabot sa magnitude 5.8.
Naitala ang episentro ng lindol sa layong 27.8 kilometro sa northeast ng Hualien County Hall na may lalim na 16 na kilometro.
Naitala ang instensity 5 sa Hualien at Yilan.
Nasundan pa ang pagyanig ng hindi bababa sa sampung aftershocks kung saan ang pinakamalakas ay naitala sa intensity 5.5 dakong alas 10:13 ng gabi na may lalim na sampung kilometro.
Sa kasalukuyan, wala pang naitatalang pinsala resulta ng lindol.
READ NEXT
Siksikan sa mga evacuation centers, naiibsan ng pagbuhos ng tulong mula sa iba’t ibang sektor
MOST READ
LATEST STORIES