Siksikan sa mga evacuation centers, naiibsan ng pagbuhos ng tulong mula sa iba’t ibang sektor

 

Bagamat nananatiling siksikan sa mga evacuation centers, naiibsan kahit paano ang hirap na dinaranas ng mga Mayon evacuees dahil pagbuhos ng tulong mula sa ibat ibang sektor.

Sinabi ni Cedric Daep, ng Albay Public Safety and Emergency Management Office, patuloy na kumikilos ang ibat ibang ahensiya ng gobyerno para maiayos ang pangangailangan ng mga bakwit.

Aniya ang DepEd gumagawa ng paraan para makapag-aral pa rin ang mga batang bakwit.

Ang DSWD at DOH naman ay nakasentro sa pamamahagi ng mga relief goods at pagtingin sa kalusugan ng mga libo libong lumikas.

Ang DPWH ay gumagawa ng mga palikuran para sa sanitasyon at maging kusina sa mga evacuation centers.

Nakatutok naman ang DTI sa suplay at presyo ng mga pangunahing bilihin at ang Department of Agriculture ay inaalam ang kapakanan ng mga magsasaka at epekto sa sektor ng agrikultura.

Dagdag pa ni Daep, malaking ginhawa din para sa mga evacuees ang ayuda mula sa pribadong sektor.

Sa ngayon ay hindi bababa sa 70,000 pa rin ang nananatili sa mga evacuation centers.

Read more...