Sison nanawagan ng mas maraming pag-atake laban sa gobyerno

 

Hinimok ni Communist Party of the Philippines founding chairman Jose Maria Sison ang mga miyembro ng New People’s Army na magsagawa ng mas maraming pag-atake laban sa gobyerno.

Sa isang statement, sinabi ni Sison na sa ganitong paraan, mapipilitan ang gobyerno na ipagpatuloy ang alok na usapang pangkapayapaan sa rebeldeng grupo.

Ibinida pa ni Sison na may kakayahan ang NPA na pumatay ng isang sundalo kada araw sa labimpitong rehiyon sa bansa.

Ayon kay Sison, aabot sa limang daan at sampung sundalo ang mapapatay ng NPA kada buwan.

Inilabas ni Sison ang bagong kautusan sa NPA matapos arestuhin ng mga pulis kamakailan si NDF consultant Rafael Baylosis sa Quezon City.

Sa kabila ng panghihimok ni Sison sa NPA na magsagawa ng mas maraming apg atake sa gobyerno, pinayuhan naman nito ang rebeldeng grupo na igalang pa rin ang Joint Agreement on Safety and Immunity Guarantees o JASIG.

Pero ayon kay Presidential Spokesman Harry Roque, wala nang saysay ang JASIG dahil matagal nang kinansela ni Pangulong Rodrigo Duterte ang alok na usapang pangkapayapaan sa rebeldeng grupo.

Read more...