Niyanig ng magnitude 3.7 na lindol ang Zamboanga Sibugay bandang 1:09, Linggo ng hapon.
Ayon sa Philippine Institute of Volcanology and Seismology (Phivolcs), naitala ang lindol sa 24 kilometers South sa bayan ng Olutanga.
Tectonic ang origin ng lindol na may lalim na 22 kilometers.
Gayunman, walang naiulat na pinsala o sugatan sa naturang lindol.
Wala ring inaasahang aftershocks bunsod nito.
READ NEXT
Pagsasagawa ng autopsy sa mga bangkay ng mga hinihinalang biktima ng Dengvaxia, tuloy pa rin – PAO
MOST READ
LATEST STORIES