Pagsasagawa ng autopsy sa mga bangkay ng mga hinihinalang biktima ng Dengvaxia, tuloy pa rin – PAO

Inquirer file photo

Walang balak si Public Attorney’s Cffice (PAO) chief Persida Rueda Acosta na itigil ang pagsasagawa ng autopsy sa mga bangkay na hinihinalang biktima ng Dengvaxcia vaccine.

Sa panayam ng Radyo Inquirer, pumalag si Acosta sa panawagan ng grupo ni dating Health Secretary Esperanza Cabral na itigil na ng PAO ang pagsasagawa ng autopsy dahil nagdudulot lamang ng pangamba sa mga magulang ng 830,000 na bata na naturukan ng Dengvaxia vaccine.

Sinabi pa ni Acosta na obstruction of justice ang panawagan ng grupo ng mga doktor dahil mistulang binubusalan na ang PAO na gampanan ang kanilang tungkulin.

Kasabay nito, sinabi ni Acosta na hihingi na sila ng tulong sa National Bureau of Investigation (NBI) para makuha ang kanilang mga forensics expert kapag tumaas na ang Dengvaxia cases.

Read more...