Biliran, niyanig ng magnitude 3.1 na lindol

Photo credit: Phivolcs

Tumama ang magnitude 3.1 na lindol sa Biliran, 10:51 Linggo ng umaga.

Sa tala ng Philippine Institute of Volcanology and Seismology (Phivolcs), naitala ang episentro ng lindol sa 9 kilometers South sa bayan ng Kawayan.

May lalim ang lindol na 7 kilometers at tectonic ang origin.

Wala namang naitalang pinsala o sugatan bunsod nito.

Wala ring inaasahang aftershocks matapos ang pagyanig.

Read more...