Lava flow ng Bulkang Mayon, umabot na sa 4.3 km patungong Legazpi

Kuha ni Mark Makalalad

Umabot na sa 4.3 kilometers ang layo ng lava flow ng Bulkang Mayon sa Legazpi, Albay.

Sa 8:00 AM bulletin ng Philippine Institute of Volcanology and Seismology (Phivolcs), mula sa apat na kilometro noong Biyernes, nadagdagan pa ng 300 metro ang layo ng lava sa Bonga-Buyuan channel ng naturang bulkan patungong Legazpi.

Umabot naman sa 3.2 kilometers ang lava sa Miisi channel patungo sa bayan ng Daraga.

Ayon kay Mariton Bornas, hepe ng Phivolcs Volcano Monitoring ang Eruption Prediction division, mahirap pang sabihin ang posibilidad na umabot ito ng anim na kilometro tulad noong December 29, 2009.

Sa kanilang tala, tinatayang two million cubic meters ang average outflow ng lava ng Mayon kada araw.

Samantala, sa huling 24-oras na monitoring ng Phivolcs, nagbuga muli ang bulkan ng ash column na may taas na 500 meters, isang lava fountaining, 55 volcanic quakes at siyam na rockfall events.

Sa ngayon, nakataas pa rin ang Alert Level 4 sa Mayon.

Read more...