Uma Thurman kabilang sa listahan ng mga inatake ni Harvey Weinstein

AP Photo

Nagsalita na ang Hollywood actress na si Uma Thurman tungkol sa kanyang mga karanasan habang nakatrabaho ang kontrobersyal na film producer na si Harvey Weinstein.

Sa isang panayam ay sinabi ni Uma na nagkaroon ng dalawang insidente sa London noong 1994 kung saan inatake siya ni Weinstein at pinagbantaan din ang kanyang acting career.

Kwento ng aktres, sa unang insidente ay nagkaroon sila ng script meeting sa isang steam room kung saan sinubukan umano ni Weinstein na makipagtalik sa kanya.

Matapos ang insidente ay sinubukan pang kumprontahin ni Uma si Weinstein.

Kwento naman ng kaibigan ni Uma, matapos ang kumprontasyon ay sinabi sa kanya ng aktres na binantaan siya ni Weinstein na tatapusin nito ang kanyang acting career.

Ngunit giit naman ni Weinstein, hindi niya pinagbantaan ang aktres at nagkamali lamang siya ng interpretasyon sa kanilang masayang working relationship.

Read more...