Pagbaba ng crimes against property dahil sa tagumpay ng war on drugs and criminality – Roque

Ipinapakita ng pagbaba ng crimes against property ang tagumpay ng kampanya ni Pangulong Rodrigo Duterte kontra krimen at iligal na droga.

Ipinahayag ni Presidential spokesman Harry Roque na pakiramdam ng mga residente sa Metro Manila na mas ligtas na sa mga lansangan dahil sa pagkaunti ng mga adik sa droga.

Sa survey ng Social Weather Stations, bumaba sa record low na 6.1 percent ang mga nabiktima ng common crimes mula sa 6.8 noong 2016.

Sinabi ni Roque na pinalakas ng resulta ng survey ang morale ng pulisya at ng mga otoridad para tiyakin ang seguridad ng publiko sa buong bansa.

Read more...