Nakilala ang suspect na si Luca Traini, 28 na mayroon pang Italian flag na nakapulot sa leeg nang maaresto ng mga pulis.
Target ng suspek ang mga African immigrants ayon sa awtoridad.
Hindi bababa sa anim na katao ang nasugatan bunga ng pamamaril.
Napag-alamang kumandidato pa sa kalapit ng bayan na Corridonia ang suspek sa 2017 local elections sa ilalim ng anti-migranteng partido, Northern League Party, ngunit hindi nakatanggap ng kahit isang boto.
Ayon kay Macerata Mayor Romano Carancini, ‘racially motivated’ ang ‘drive-by shootings’ ni Traini at hinihinalang konektado sa pagpatay sa 18-anyos na babaeng Italian kamakailan kung saan naaresto ang isang Nigerian.
Ayon kay Carancini, dapat ay makiisa ang lahat na labanan ang pagkamuhi.
Samantala, patuloy na ginagamot sa ospital ang mga sugatan kung saan isa ang nasa kritikal na kondisyon.
Patuloy na kinukwestyon ng mga awtoridad ang suspek na nakuhaan ng baril sa kanyang sasakyan.