Dating Barangay Chairman sa Pangasinan, patay sa pamamaril

Patay sa pamamaril ng hindi pa nakikilalang mga salarin ang dating kapitan ng baranggay sa Pangasinan.

Naganap ang pamamaril sa biktima na nakilalang si Wilson Oria, 63 anyos sa Mendoza Bridge sa Barangay Laoac.

Dead on the spot ang biktima at narekober ng mga awtoridad sa crime scene ang tatlong basyo ng bala.

Si Oria ay dating chairman ng kalapit lamang na baranggay ng San Vicente.

Kasalukuyan pang iniimbestigahan ang insidente at inaalaam ang motibo sa pagpatay.

Read more...