Ito ang naging tugon ni PAO Chief Percida Acosta matapos sabihin ni dating Department of Health (DOH) Secretary Esperanza Cabral na dapat nang itigil ng PAO ang kanilang ginagawang pagsusuri sa mga namatay umano dahil sa Dengvaxia.
Ani Acosta, maaari namang magsagawa ng sariling forensic examination ang DOH kung nagtitiwala sa kanila ang mga magulang ng mga biktima.
Ngunit aniya, desisyon ng mga pamilyas ng mga bata kung kanino nila gustong ipatingin ang dahilan ng kamatayan ng kanilang kaanak.
Dagdag pa ni Acosta, mismong ang mga pamilya ang lumapit sa kanila para isagawa ang forensic examination na ginagawa naman ng kanilang mga ‘credible at non-conflicted pathologists.’
Nauna nang sinabi ni Cabral at ng kanyang pinamumunuang Doctors for Public Welfare (DPW) na dapat ay tanging mga ‘competent forensic pathologists’ ang nagsasagawa ng eksaminasyon.