Pabor si Presidential Spokesman Harry Roque na maimbestigahan ang multi-bilyon pisong kontrata para sa pagbili navy frigate ng nakaraang administrasyon.
Kasunod ito ng pahayag ni Magdalo Partylist Representative Gary Alejano na blacklisted ang nanalong bidder na Hyundai Heavy Industries sa mga bidding ng mga government contracts sa South Korea dahil sa kinakaharap nitong mga bribery cases.
Ayon kay Roque, kung totoong blacklisted ang nakakuha ng kontrata para sa navy frigate contract ay dapat na managot ang mga opisyal ng nakaraang administrasyon.
Nilinaw ni roque na naging “done deal” ang nasabing kontrata sa nakaraang administrasyo at ang pagbibigay ng Duterte administration ng notice of award sa nanalong bidder ay ministerial lamang bilang pagsunod sa probisyon ng Republic Act No. 9184 o ng Government Procurement Reform law.
Nauna dito ay sinabi ni Alejano na mananagot ang kasalukuyang administrasyon dahil sa pagbibigay ng kontra sa isang blacklisted na bidder.