Pinabulaanan ng kampo ni dating Senador Bongbong Marcos ang akusasyon ni Vice President Leni Robredo na gawa-gawa lamang ang ballot images nito.
Ayon sa abogado ni Marcos na si Vic Rodriguez, nagmula sa Korte Suprema ang ballot images na kanilang hawak.
Dagdag ni Rodriguez, hindi gawain ng Supreme Court na magbigay ng mga gawa-gawang ebidensya.
Noong Lunes, sinabi ni Marcos na nakalap nila ang soft copies ng ballot images na nagpapakita umano ng fraud bilang suporta sa kanyang electoral protest.
Alegasyon ni Marcos, hindi umano binilang ang mga boto sa kanya sa mga balota mula sa ilang Barangay sa Camarines Sur at Negros Oriental.
Tinawag naman ng abogado ni Robredo na si Romulo Macalintal na katawa-tawa ang kanilang ebidensya.
Dagdag ni Macalintal, kung hindi tutugma ang ballot images na meron ang kampo ni Marcos sa mga balotang hawak ng Presidential Electoral Tribunal o PET dahil gawa-gawa lamang ito.