Inireklamo na ng National Bureau of Investigation (NBI) ang tatlong empleyado ng Department of Justice (DOJ) na sinibak dahil umano sa maanomalyang pagproseso ng visa.
Ayon kay DOJ Undersecretary Erickson Balmes, sinampahan ng kasong paglabag sa Article 171 ng Revised Penal Code sina Shigred Eribuagas, Abvic Ryan Maghirang, at Cyruz Morata.
Iniligay na rin sila sa immigration lookout bulletin order.
Nauna nang sinibak ni DOJ Secretary Vitaliano Aguirre II ang tatlo.
Umamin umano sila sa pagkakasangkot sa pagproseso sa immigration quota visa ng anim na Chinese nationals kapalit ang malaking kalaga.
Ayon sa DOJ, si Eribuagas ay isang administrative aid, si Maghirang ay nagsilbing executive assistant, habang si Morata ay isang job order employee.