Nagpasaklolo na sa United Nations (U.N) ang lokal na pamahalaan ng Albay ukol sa isyu ng siksikang evacuation centers.
Sa nakuhang dokumento ng Radyo Inquirer TV, sumulat na si Cedric Daep, ang namumuno sa Albay Public Safety and Emergency Management Office kay Hideko Myagawa ang Chief ng Education Section ng UNICEF Philippines para makapagbigay ng tent.
Nakasaad sa sulat ni Daep na 35 malalaking tents ang kanilang kailangan o kahit anong uri ng malaking temporary shelter solutions.
Ibinahagi nito kay Mygawa na dahil gamit ng halos 80 libong evacuees ang karamihan sa mga pampublikong paaralan na apektado na ng husto ang pag-aaral ng mga bata.
Bukod pa dito, binanggit din ni Daep sa kanyang sulat na dahil umaabot sa 80 indibiduwal ang nasa iisang classroom nahihirapan na rin sa pagtulog ang mga evacuees at nagkakahawaan na rin sila ng mga sakit.