Nagdagdag pa ng P50 Million ang Department of Trade and Industry para pondohan ang shared service facilities na ibinibigay sa mga negosyanteng Maranao sa Mindanao ngayong taon.
Ang nasabing pondo ay bukod pa sa budget provision na suporta sa iba pang program ng Bangon Marawi.
Kaugnay nito nagbigay ang DTI ng 1,500 livelihood packages at zero-percent interest microfinance loans sa mga internally-displaced persons na naapektuhan ng Marawi siege.
Tiniyak rin ni DTI Secretary Ramon Lopez na magtutuloy-tuloy pa ang pagbibigay ng maraming pagkakitaan at livelihood opportunities sa pamamagitan ng DTI Negosyo Seminars.
Una nang namigay ang DTI ng mga livelihood packages at naglunsad ng negosyo trainings sa mga IDPs noong nakalipas na taon.
MOST READ
LATEST STORIES