Ilalabas na sa Lunes ng Department of Labor ang resulta ng isinagawang imbestigasyon ng labor attache’ sa Kuwait kaugnay sa misteryosong pagkamatay ng pitong Overseas Filipino Workers (OFWs) sa nasabing bansa.
Magugunitang ipinag-utos ni Pangulong Rodrigo Duterte ang pansamantalang pagbabawal ng pagpapadala ng mga OFWs sa nasabing bansa dahil sa pagkamatay ng ilang mga manggagawa doon.
Binigyan rin ng DOLE ang mga labor officials sa Kuwait na magsagawa ng kanilang sariling imbestigasyon kaugnay sa nasabing pangyayari.
Inamin ni Labor Sec. Sylvestre Bello III na naantala ang pagpapadala ng resulta ng imbestigasyon mula sa Kuwait dahil sa natagalan rin ang pagkuha nila sa forensic records ng mga biktima.
Tiniyak naman ng opisyal na hindi makaka-apekto sa relasyon ng Pilipinas at Kuwait ang total ban sa pagpapadala ng mga manggagawa sa naturang bansa.