Lima patay sa banggaan ng army helicopters sa Southern France

Lima ang nasawi matapos magbanggaan ang kanilang sinasakyang army helicopters sa Southern France.

Ang nagbanggang mga aircrafts ay ‘Gazelle helicopters’ na pagmamay-ari ng military flying school na tinatawag na ‘Ealat’. Nagsasanay ang naturang eskwelahan ng mga piloto para sa militar.

Naganap ang banggaan sa isang magubat na lugar malapit sa Carces lake.

Ayon sa pulisya, sakay ng isang helicopter ang tatlo habang ang isa ay may lulan na dalawa nang mangyari ang insidente.

Ang mga biktima ay pawang military officers.

May seating capacity ang ‘Gazelle helicopters’ ng hanggang lima katao at ginagamit ng French military mula 1970 at nagamit na rin sa ‘anti-terror’ mission sa Mali.

Sa isang tweet ay ibinahagi ni Defense Minister Florence Parly ang kanyang kalungkutan sa aksidente at sinabing siya ay patungo na sa crash site.

Sinaluduhan naman ni President Emmanuel Macron ang kadakilaan ng mga nasawing military officers.

Nasa 20 tropa ng militar ang nagsagawa ng rescue services sa crash site.

Read more...