Nag-resign na opisyal ng CHED, maaring magreklamo ng harassment sa pulisya

Iminungkahi ng Malacañang kay Commission on Higher Education (CHED) executive director Karol Marc Yee na ireklamo sa pulisya ang sinasabi niyang pangha-harass at mga banta laban sa kaniya.

Ayon kay Presidential Spokesperson Harry Roque, maari namang magsampa ng reklamo si Yee kung gugustuhin niya.

Matatandaang ang ikinatwiran ni Yee sa kaniyang pagbibitiw sa pwesto ay ang umano’y “unceasing harassment and of relentless threats.”

Sa ngayon ay natanggap na ng opisina ni Pangulong Duterte ang resignation ni Yee ngunit ayon kay Roque ay pagdedesisyunan pa ito.

Magugunitang ibinasura ng Court of Appeals ang mga kasong isinampa laban kay dating CHED executive director Julito Vitriolo na nasibak at pinalitan ni Yee.

Dahil sa deisysong ito ng CA, pinayagan ang reinstatement ni Vitriolo na hindi sinunod ni dating CHED Chair Patricia Licuanan. /

Read more...