8 arestado sa pot session sa drug den sa Tondo

Kuha ni Mark Makalalad

Timbog ang walo katao matapos maaktuhang nagpo-pot session sa Road 10, Southbound, Maynilad Compound, Brgy. 101, Tondo, Manila.

Alas-8:05 ng gabi ng Biyernes nang maghain ng search warrant ang mga operatiba ng Raxabago Police Station sa bahay ni Jerry Arufo na sinasabing drug pusher at target ng kanilang operasyon.

Pagpasok sa bahay ng suspek, dito na natyempuhan ang pitong iba na kasamahan nito na humihithit ng shabu.

Inamin ni Arufo na dati syang gumagamit ng iligal na droga pero kanyang itinanggi na sya ay drug pusher.

Habang ang iba namang nahuli ay inamin na humihithit din sila ng shabu sa lugar.

Nasabat mula sa walo ang anim na pakete ng shabu, mga drug paraphernalia at dalawang sumpak.

Mahaharap ang mga suspek sa kasong paglabag sa RA 9165 o Comprehensive Dangerous Drugs Act of 2002.

Read more...