Sa desisyon ng Sandiganbayan, hinatulan ng First Division si dating TESDA Aklan provincial director Edwin Villanueva at misis niyang si Nina Villanueva ng anim taon at isang buwan, hanggang 10 taong pagkakabilanggo dahil sa paglabag sa Section 3(d) ng Anti-Graft and Corrupt Practices Act.
Maliban dito, hindi na rin maaaring humawak ng anumang posisyon sa gobyerno ang mag-asawa.
Nag-ugat ang kaso nang maging competency assessor si Nida ng Rayborn-Agzam Center (RACE) noong September 2010. Ang RACE ay isang private competency assessment firm na may nakabinbing official business sa TESDA.
Nadiskubre na pinayagan ni Edwin ang RACE na maging isa sa training agencies ng TESDA bagaman kasaman ang kanyang asawa sa board of directors ng kumpanya.
Nagsisilbi ring in-house food and beverage assessor si Nina kung saan mayroon siyang P1,00 honorarium kada buwan. Maliban dito, si Nina ay incorporator din ng RACE.
Itinalaga ng dating TESDA Aklan provincial director ang kanyang asawa bilang TESDA competency assessor para sa RACE mula Hulyo hanggang Oktubre noong 2011. Nakatatanggap si Nina ng P250 na bayad para sa bawat kandidatong kanyang sinusuri.