Nagretirong opisyal ng Comelec dapat agad palitan nio Pangulong Duterte

Umapela si Senator Sherwin Gatchalian kay Pangulong Rodrigo Duterte na agad na magtalaga ng mga bagong opisyal ng Commission on Elections (Comelec).

Ito ay matapos na magretiro si acting Comelec Chairman Christian Robert Lim at ang pagbibitiw noon ni dating Chairman Andres Bautista.

Paliwanag ni Gatchalian, dapat na matiyak na hindi maaantala ang preparasyon ng Comelec sa darating na eleksyon.

Hindi umano maaaring makulangan ng panahon ang Comelec dahil nalalapit na ang Barangay at Sangguniang Kabataan elections sa Mayo at ang midterm elections sa susunod na taon.

Giit ni Gatchalian, hindi lingid sa kaalaman ng publiko na hindi biro ang ginagawang preparasyon ng Comelec tuwing halalan.

Dagdag pa sa posibleng pagkaabalahan ng Comelec ang posibilidad na pagkakaroon ng plebisito kung matutuloy ang Cha Cha.

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

Read more...