Mga residente sa labas ng 8-KM danger zone ng Bulkang Mayon, pauuwiin na

Kuha ni Jan Escosio

Simula ngayon araw ng Biyernes, Feb. 2 ay pauuwiin na ang mga lumikas na residente ng mga barangay na nasa labas ng 8-kilometer danger zone ng Bulkan Mayon.

Ito ang ibinahagi ni Office of Civil Defense Bicol chief Claudio Yucot.

Ayon kay Yucot ang hakbang na ito ay base naman sa impormasyon mula sa PHIVOLCS.

Ngunit pagtitiyak ng opisyal na patuloy nilang imomonitor ang sitwasyon ng mga uuwing residente.

Samantala, sinabi ni Cedric Daep, ang pinuno ng Albay Public Safety and Management Office, isang paraan na rin ito para mabawasan ang bilang ng mga nasa evacuation centers.

Pinansin ni Daep na sobra na sa ideal ratio na 8 hanggang sa 10 pamilya lang ang dapat na nasa mga classrooms ng mga paaralan na ginawang evacuation centers.

Ang pagsisiksikan na rin aniya ang isang dahilan kaya’t nagkakahawaan ng sakit ang mga lumikas.

Kapwa naman hindi masabi nina Yucot at Daep kung ilang barangay ang nasa loob ng 8-kilometer danger zone at kung ilang pamilya o indibidwal ang pauuwiin simula ngayon araw.

Hindi rin masabi pa ni Daep kung ang mga pauuwiin ay patuloy na tatanggap ng relief packs at kung ano ang gagawin sa mga tatangging umuwi.

 

 

 

 

 

 

 

Read more...