Ganito isinalarawan ni Philippine National Police (PNP) chief Director Gen. Ronald dela Rosa ang limang pulis ng Southern Police District na naaresto dahil sa pangingikil sa isang suspek kapalit ng kalayaan nito.
Lubhang dismayado si Dela Rosa sa ginawa ng limang nasabing pulis at nais nang ipasibak ang mga ito sa serbisyo.
Ani Dela Rosa, hindi na nararapat pang manatili ang mga ito nang kahit isang araw pa sa serbisyo.
Ganito aniya ang mga klase ng tao na pumapasok sa pagpu-pulisya hindi para makapanilbihan kundi para magpayaman at magkapera.
Samantala, pinuri naman ni PNP chief ang mabilis na pagresponde ng mga pulis sa nangyaring pangingikil ng limang pulis sa inaresto nilang suspek sa illegal gambling dahil sa loob pa mismo ng kanilang opisina ito nangyari.