Mga Pinoy sa Kuwait, sinulit ang amnesty na ibinigay sa mga undocumented workers

 

Sinamantala na ng maraming Pilipino sa Kuwait ang ibinigay na amnesty ng Kuwait para sa mga overstaying at undocumented na dayuhang manggagawa sa kanilang bansa.

Dahil dito, dumagsa ang mga Pinoy sa Philippine Embassy sa Kuwait para asikasuhin ang pag-aayos ng kanilang mga dokumento at maging legal ang pananatili sa naturang bansa.

Ang nasabing amnestiya kasing ipinagkaloob ng Kuwait sa mga dayuhan ay isa nang magandang pagkakataon upang makauwi na ang mga undocumented at overstaying na overseas Filipino workers na nagtatago na lang.

Ibinigay ng Kuwaiti government ang amnestiya noong Enero, ilang araw lang matapos suspindehin ng pamahalaan ang pagpapadala ng mga OFW sa nasabing bansa dahil sa dami ng mga insidente ng pang-aabuso sa mga Pilipino doon.

Una nang nakiusap ang Kuwait sa pamahalaan na bawiin na ang suspensyon ngunit nanindigan ang gobyerno, at pinag-iisipan na ni Pangulong Rodrigo Duterte ang pagpapatupad ng total deployment ban sa Kuwait.

Gagawin ito ng pangulo oras na mayroong isa pang kaso ng pang-aabuso ang maitatala sa Kuwait laban sa mga OFW.

Read more...