Negros Oriental, niyanig ng magnitude 3.1 na lindol

 

Mula sa Phivolcs

Nakaranas na magnitude 3.1 na lindol ang lalawigan ng Negros Oriental.

Ayon sa datos mula sa Philippine Institute of Volcanology and Seismology o Phivolcs, naitala ang episentro ng lindol sa kanlurang bahagi ng bayan ng Luzurriaga, Negros Oriental dakong alas 5:46 ng hapon ng Huwebes.

May lalim lamang na limang kilometro ang pinagmulan ng pagyanig.

Dahil dito, naramdaman ang Intensity III na paggalaw ng lupa sa Bacong at Valencia, Negros Oriental.

Intensity II naman ang naramdaman sa Dumaguete City at Dauin, Negros Oriental.

Wala namang iniulat na pinsalang idinulot ang naturang lindol sa mga imprastraktura sa naturang lalawigan.

Read more...