Ayon kay Senador Escudero, maiiwasan lamang ang Constitutional crisis kung dudulog ang magkabilang panig sa SC para mapagdesisyunan ang usapin ng pagsuspinde ng Palasyo kay Carandang at ang pagtanggi ng Ombudsman na tumalima sa kautusan.
Hinimok ni Escudero ang Solicitor General, bilang abugado ng gobyerno na maghain ng petisyon for mandamus o certiorari sa SC at gayundin ang Ombudsman na maaring maghain ng petisyon para maibasura ang suspension order ng pangulo laban kay Carandang.
Giit ni Escudero, ito ang legal, pinakamaganda at mapayapang paraan para resolbahin ang usapin kesa mangyari pa na magpadala ng pulis ang Palasyo para isilbi ang suspension order sa Ombudsman na naninidigan na ilegal ang suspension order laban kay Carandang.