Ayon kay Regina Eshaluce, isang social worker, isang babaeng evacuee sa Barangay Bical ang nagsoli ng isang lata ng sardinas na may tatak na Swan.
Kinumpirma nito na mabaho na ang amoy ng sardinas ngunit aniya hindi sila tiyak kung ang de lata ay kasama sa mga naibigay na relief goods.
Sinabi nito na pinalitan na rin lang nila ang sirang de lata.
Samantala, ilang evacuees din ang nagsabi na may apat na relief packs na galing sa DSWD ang may mga insekto na sa loob ng kahon.
Pinalitan din anila ang mga relief boxes.
Sinabi naman ni Cedric Daep, ang hepe ng Albay Disaster Risk Reduction and Management Council, wala pa silang natanggap na anuman sumbong o reklamo ukol sa mga mga ipinamamahaging relief goods.