Bumiyahe na muli ang point-to-point buses na magbibigay ng alalay sa mga pasahero ng Metro Rail Transit (MRT-3).
Huwebes ng umaga, aabot sa 22 airconditioned buses ang idineploy ng Department of Transportation (DOTr) sa MRT-3 North Avenue station para bigyan ng transportation option ang mga pasahero ng tren.
Ang mga bus ay bumiyahe mula North Avenue station patungo sa sa Ortigas at Ayala sa fixed fare na P15.
Sa bus lane ang daan ng P2P buses at may escort na mga tauhan ng Highway Patrol Group (HGP) at Land Transportation Office (LTO) kaya mabilis ang biyahe ng mga ito.
Target ng MMDA at DOTr ang travel time na isang oras lamang para sa mga P2P buses.
Buwan ng Nobyembre ng unang magtalaga ng P2P buses sa MRT para magsakay ng mga pasahero na ayaw pumila ng matagal pero inihinto rin ito.