Tren ng MRT ibinalik sa depot matapos masiraan ng PA system

Isa na namang tren ng Metro Rail Transit (MRT-3) ang nagkaproblema, Huwebes ng umaga.

Nagkaroon ng problema sa public address system ang tren kaya ibinalik na lang ito sa depot alas 7:00 ng umaga.

Tiniyak naman ng pamunuan ng MRT na ang nasabing problema ay hindi nagresulta sa pwersahang pagpapababa ng mga pasahero.

Gayunman, perwisyon pa rin ito sa mga pasahero dahil nabawasan ang bilang ng mga naka-deploy na tren.

Nagresulta ito sa muling paghaba ng pila lalo na sa North Avenue station.

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

Read more...