Ayon kay Atty. Victor Rodriguez na tagapagsalita ni Marcos, nagmula mismo sa Presidential Electoral Tribunal (PET) ang kanilang mga hawak na ebidensya.
Dahil dito, sinabi ni Rodriguez na ang pag-akusa ni Robredo ng tampering of evidence kay Marcos ay katumbas na rin ng kawalan ng respeto sa PET dahil ito ang nagbigay sa kanila ng soft copies ng mga ballot images na kanilang ipinrisinta noong Lunes.
Kaugnay nito ay nanawagan ang abogado sa kampo ni Robredo na huwag bastusin ang PET gamit ang aniya’y “desperate claim.”
Gayunman, sa pahayag ng abogado ni Robredo na si Atty. Romulo Macalintal, sinabi nitong “fabricated” o gawa-gawa lang ang mga ebidensya, at hindi “tampered” tulad ng binanggit ni Rodriguez.
Pero giit ni Rodriguez, dapat ay sagutin na lang ng kampo ni Robredo ang kanilang “expose” na malinaw na nagpakitang namanipula ang halalan.
Excerpt: