Lava flow ng Mayon at Super Blue Blood Moon, sabay na tinunghayan sa Albay

Photo by George Gio Brondial, Inquirer Southern Luzon

Camalig City, Albay – Sinadya ng ilang mga Albayanons mula sa Ligao City ang Quintuinan Hills sa Camalig City, Albay para sabay na tunghayan ang lava flow mula sa Bulkang Mayon at ang kakaibang “Super Blue Blood Moon” o ang pagsasabay ng lunar eclipse, super moon at blue moon.

Nasabik ang mga tao dahil minsan lang anila sa tanang buhay nila ang masaksihan nang sabay ang ganitong natural events.

May ilang nagbigay din ng kanilang hinuha na baka dulot ng mas malakas na gravitational pull ng super moon at blue moon ang pag-aalburuto ng bulkan.

Nakapanayam din ng Radyo Inquirer ang iba pa na napapaisip kung totoo ang kasabihan ng mga matatanda na ang kakaibang buwan ang ugat ng matinding pag-aalburuto ng Mayon.

Karamihan naman sa mga pumunta ay mga pamilya, magkakaibigan at magkakasintahan na may kaniya-kaniya pang dalang mga pagkain at inumin para sa kanilang picnic.

Ilan pa sa kanila ang nag-camping na sa nasabing lugar mula pa noong Martes para abangan ang aktibidad ng bulkan.

Read more...