Luneta, dinayo para masaksihan nang libre ang “Super Blue Blood Moon”

Kuha ni Jong Manlapaz

Dinagsa ng mga skywtacher sa Luneta ang pambahira at minsan lamang sa kasaysayan na celestial event na tinatawag na “Super Blue Blood Moon,” Miyerkules ng gabi.

Bago mag-alas-6:00 ng gabi, naka-set up na ang mga telescope at mga camera sa Luneta para tutukan ang pagbabagong anyo ng buwan.

Mayroon ding mabubuting loob na nag alok ng libreng viewing sa kani-kanilang mga telescope.

Ang ilan naman, naaliw na lamang sa panunuod sa kanilang mga kinalalagyan. Tanaw naman kasi sa malayo ang naturang phenomenon.

Pagsapit ng 9:20 ng gabi, kung saan nag-peak ang pagkukulay pula ng buwan at marami ang namangha.

Namalas ang kakaibang excitement dahil malinaw na nasilyan ang buwan at walang ulap na tumakip dito.

Kuha ni Mark Makalalad

Unti-unti namang nabawasan ang pagkapula ng buwan at bumalik ito sa kanyang normal na anyo pasado alas-10 ng gabi.

Ayon pa sa mga eksperto, huling nangyari ito sa Pilipinas noong December 30, 1982.

Inaasahan namang mauulit ito sa taong 2037.

Read more...