Tinatawag ito ng NASA na “lunar trifecta.”
Ito ang unang super blue blood moon mula noong 1982 at muling mauulit sa taong 2037.
Ang blue moon ay tumutukoy sa ikalawang full moon sa loob ng iisang buwan habang ang supermoon naman ay kapag full moon ay malapit sa orbit ng mundo at dahil sa total lunar eclipse ay nagkukulay pula ang buwan na siyang tinatawag na blood moon.
Inabangan din sa observatory ng PAGASA sa Quezon City ang naturang celestial event.
Meron din viewing na ginanap sa Luneta Park sa pangunguna na ng Philippine Astronomical Society.
Bukod dito meron din viewing sa ibat ibang bahagi ng Metro Manila, sa San Beda College, Manila Observatory sa Ateneo De Manila University, SM North EDSA, Trinoma Park, Pinaglaban Shrine, Cityland Pasong Tamo, The Nest Food and Lifestyle Park sa Taguig, sa SM By The Bay sa SM Mall of Asia at Alabang Town Center.
Maging sa Luneta o Rizal Park sa Maynila ay nag-abang din ang mga tao at sabay-sabay na pinanood ang celestial event kasama ang mga kaibigan at kaanak.
Samantala, maging sa Albay ay inantabayanan ng mga tao ang pambihirang pangyayari na ito.
Sa Ligao Hill, dumayo ang mga tao, lalo na ang mga magkasintahan para saksihan ang Super Blue Blood Moon na malinaw namang nakita sa kabila ng usok at alikabok sa himpapawid mula sa Bulkang Mayon.