Customs broker na si Mark Taguba sumuko na sa NBI

Radyo Inquirer

Nasa kustodiya na ng National Bureau of Investigation (NBI) ang kontrobersiyal na customs broker na si Mark Taguba.

Kasunod ito ng paglalabas ngayong araw ng Manila Regional Trial Court Branch 46 ng warrant of arrest at sa pitong iba pa kaugnay ng P6.4 Billion illegal drug shipment mula sa china na nasabat ng Bureau of Customs sa Valenzuela City noong nakaraang taon.

Si Taguba na noong isang taon pa nasa kustodiya ng Senado ay nabatid na nagpahatid sa gusali ng Senado para sumuko sa mga ahente ng NBI.

Mula sa Senado, ibiniyahe si Taguba sa punong tanggapan ng NBI sa Maynila.

Si Taguba ay unang kinasuhan ng Department of Justice ng paglabag sa Republic Act 9165 o Comprehensive Dangerous Drugs Act of 2002 dahil sa importasyon iligal na droga.

Bukod kay Taguba, ipinaaresto din ng korte ang mga kapwa nito akusado na sina Li Guang Feng alyas Manny Li, Dong Yi Shen Xi alyas Kenneth Dong, Eirene Mae Tatad, Teejan Marcellana, Chen I-Min, Jhu Ming Jhyun, at Chen Rong Juan.

Walang inirekomendang piyansa ang korte laban sa mga respondents.

Read more...