Ayon kay Jacqueline De Guia, tagapagsalita ng CHR, hindi naman pulis ang kanilang mga tauhan para sumama sa law enforcement activities.
Dagdag pa ni De Guia, wala silang sapat na mga tauhan para sumama sa mga operasyon, dahil pitong imbestigador lamang ay mayroon sila na nakatalaga sa iba’t ibang mga rehiyon.
Umaasa naman umano ang CHR na kahit hindi sila kasama sa Oplan Tokhang, matatapatan ng PNP ang Philippine Drug Enforcement Agency (PDEA) dahil naisagawa nila ang kanilang trabaho nang walang napapatay na drug suspect.
Matatandaang inimbitahan ni National Capital Region Police Office Director Oscar Albayalde ang CHR na bantayan ang muling pagbabalik ng Oplan Tokhang.